Wednesday, October 6, 2010

ROAR!



coming soon.

Thursday, May 13, 2010

Flat Dumbell Flyes



another chest exercise included in my heavy upper body routine.

Friday, May 7, 2010

King of Exercises.

sinasabing ang SQUAT ang "King of Exercises", at hindi ka talaga masasabing nag-wowork-out kung hindi mo ginagawa ito. 

Mahirap itong gawin kaya marami ang umaayaw dito, pero sa mga nag-ssquat malaking paglakas ang mararamdaman nila sa kanilang lower body. Pangunahing pinapalakas nito ang quadriceps at hamstrings mo, ang mga muscles sa iyong hita, bukod pa rito, pinapalakas din nito ang iyong calves sa legs, lats at trapezius para sa upper back, ang lower back muscles, deltoids sa shoulders, at core muscles sa belly. O d ba? ang dami! kaya hindi dapat palampasin ang pag squat.

Dati hirap na hirap na ako mag-squat gamit ang empty olympic bar, 20kg un, empty pa un ha! ngaun eto na ang kaya kong i-squat....

 O di ba? mukha nang mabigat? hahaha... 60 kgs na yan, grabe, makatapos lng ako ng 6 reps jan, para na akong nag-sprint ng isang kilometro, at uulitin ko un ng 5 sets, kaya talagang nkakapagod ito. pero sulit naman eh....

Thursday, May 6, 2010

Bagong Idol.

George St. Pierre.



[sherdog]
 
gudbye derek ramsey, nagpabelo ka, hindi ka naa karapat-dapat maging idol ko. may bago na, at kayang kaya ka niya patumbahin sa isang suntok lng.

tingnan mo naman, pareho kami ng height at weight, convert ko na lng sa muscle ung mga taba ko, pareho na kami, hahaha....

eto naman sample ng exercise niya....

Saturday, April 24, 2010

10 Palatandaan na Matagal ka na sa UP

Nasimulan ko to sa facebook ko, ngaun kumpletuhin natin ang listahan...

1. Kapag mas matanda ka na sa professor mo.
2. Kapag kuya/ate na ang tawag sayo ng lahat ng mga nakakasama mo araw-araw
3. Kapag nag-aalangan ka na isulat ang student number mo sa attendance sheet
4. Kapag napatalsik ka na sa dorm
5. Kapag nakatulog ka pa sa Sunken Garden nang gabi hanggang umaga
6. Kapag may class card ka pang natatago
7. Kapag mura pa ang tuition mo
8. Kapag hindi na mabilang ng iyong mga daliri ang singko mo sa TCG
9. Kapag isa o higit pang subjects ang na-"three takes" mo

at ang pinaka-masaklap sa lahat ng palatandaan sa listahaan na ito...


10. Kapag nalulungkot ka sa tuwing nakakakita ng sunflower sa University Avenue

Monday, April 5, 2010

ang nakaraan.

muli ko itong nakita sa aking lumang files at napangiti ako habang binabasa ito, sana kaw rin, hehhehe
-----------------------------------------------------------------------------

Ang Aking Unang Penis Ring


Malilim ngunit mainit na hapon ang sumalubong sa amin sa Quiapo. Pinagpapawisan at nanlalagkit ang aming pagod na mga katawan dulot ng usok ng mga sasakyan ng Maynila. Unang punta ko noon sa Quiapo na namasahe lamang at kasama ang aking mga kaibigan, kadalasan kasi ay pumupunta kami doon na may dalang sasakyan kasama ang aking Lola upang magsimba sa sikat na Quiapo Church.

Tuesday, March 30, 2010

unang uno.

em 191.

Saturday, March 27, 2010

starbucks.

trisha. ⎝⏠⏝⏠⎠

Thursday, March 25, 2010

work-out of the day: Bench Press

eto na akong muli, papa-alam ko sa inyo isa-isa ang mga ginaggawa ko sa gym, umpisahan natin sa una kong ginagawa, ang bench press.

dito ako nahihirapan, mahina kasi ang upper body ko, dinedevelop nito ang chest muscles, ang pectorals.
l

nung simula ang kinaya ko ay 20kg (12 reps,2 sets), kanina nakaya ko na ang 24kg (8 reps,3 sets)

para mas malamman natin kung paano isinasagawa ang bench press panuorin natin ang video sa baba:


Wednesday, March 24, 2010

mga presidentiables.

Wala nang tatalo pa kay DICK GORDON!

Best-Paying Degrees in 2010


[From Yahoo!]

Top-Paid Bachelor's Degrees
Source: Winter 2010 Salary Survey, National Association of Colleges and Employers

1. Major: Petroleum Engineering
Average Salary Offer: $86,220

2. Major: Chemical Engineering
Average Salary Offer: $65,142

3. Major: Mining & Mineral Engineering (including Geological)

Average Salary Offer: $64,552


4. Major: Computer Science
Average Salary Offer: $61,205

5. Major: Computer Engineering
Average Salary Offer: $60,879

6. Major: Electrical/Electronics & Communications Engineering

Average Salary Offer: $59,074

7. Major: Mechanical Engineering

Average Salary Offer: $58,392

8. Major: Industrial/Manufacturing Engineering
Average Salary Offer: $57,734


9. Major: Aerospace/Aeronautical/Astronautical Engineering
Average Salary Offer: $57,231

10. Major: Information Sciences & Systems
Average Salary Offer: $54,038

shaun livingston.

From this....


...to this....

Wednesday, March 17, 2010

macho.

macho... macho man... i want to be... a macho man...

hahaha...natuloy din ang balak ko mag-gym, ang sarrap ng feeling kahit masakit sa katawan... masarap ang pakiramdam kapag ang nasa isip mu ay pagkatapos ng ginagawa mo, alam mong may naggbago sayo. Mas malapit ka na sa goal mo.

salamat zest power gym!
(next tym na ang mas detalyadong kwento, hirap mag-type masakit lahat ng parte ng katawan ko hahaha)

Tuesday, March 16, 2010

gawain.

patapos na talga ang sem na ito, ang patunay?




ang mga gawain na nakalagay sa mga post-its sa pader ko sa dorm. sana lang magawa ko lahat ito nang maayos. Tandaan: All Pass Dapat!

ang pagbabalik.

sa wakas, nabalik na rin ang cellphone ko nang maayos. salamat at wala akong binayaran sa pagpapagawa dahil covered pa ng warranty. buti na lang hindi nila alam kung bakit nasira ang cellphone ko, dahil kung alam nila baka hindi na libre ang naging paggawa, hehehe....

napansin ko lang, parang madaming nasisirang samsung cellphones. habang nasa service center ako, madami akong narinig na reklamo mula sa mga tao na may-ari nang nasirang samsung phone. karamihan pa sa kanila ay magkakamukha pa ng phone model. baka talgang sirain yung model na yun.

bagama't nasira ang phone ko dahil nabasa ng tubig dagat (ssshhhh.... wag  niyo ipagsasabi ha, secret lang. kasa mo!) hindi pa rin natin mapagkakaila na hindi ganun kaganda ang quality ng samsung phones. talaga bang ganito ang kalidad ng mga koreano? hmmm....

lalo pa natin makikita ang mababang kalidad kung ikukumpara natin sa nangungunang nokia phones. ang ibanng nokia phones na kahit mahulog sa inidoro, patuyuin mu lang ay gagana nang muli.

pero pasalamat na lang din ako na nagawa ang sira ng telepono ko nang walang  bayad, panalangin ko na lang na hindi na ito muling maasira...

 ito ang ilan sa mga kuha ko na picture sa fieldwork namin sa zambales bago mag-loko ang telepono ko...(matagal ko na dapat na-post ito kung hindi lang nasira ang telepono ko.)

sa ikalawang larawan makikita ang whale island, hugis balyena 'di ba? tinawid namin yan at nakarating sa isla na yan.

Monday, March 15, 2010

simula.

15 March 2010, tandaan natin ang date na 'to, dahil ito ang simula. Simula ng aking malusog na pamumuhay (healthy living).

Kahapon ay namili na ako ng mga pagkain na aking kakainin para ako aay pumayat at maging malusog. Sa aking plano ay kakain ako ng mga 4 - 6 beses sa isang araw, dahil dito palagi akong busog at hindi ko maiisipan na kumain ng hindi masusustansyang bagay.

Tumakbo na rin ako ulit kaninang umaga. Kahit hindi pa bumalik sa dati ang aking pagtakbo, maganda pa rin itong simula.

Kanina, pagkatapos ko samahan si mahal ko  magpagupit at dumiretso na ako para magtanong sa gym na plano kong pasukan.

 Nahirapan pa akong hanapin ang gym na 'to, kasi hindi naman ito high end o commercialized gym na tulad ng Fitness First, Gold's Gym at Slimmer's World. Ang Zest Power Gym ay kabilang sa mga gym na tinatawag na "bakal gym" o ung mga gym na puro simpleng equipment lang ang meron at walang mga exercise machines. Napili ko ang gym na 'to, unang-una adahil sa mura ito, pangalawa ay dahil sa simple lang sila at result-oriented at dahil dito, bagama't ito ay isang bakal gym, napakaraming awards na rin ang nakamit  ng mga pumupunta dito sa larangan ng powerlifting.

Ok naman ang naging pagpunta ko doon, nasagot naman ng may-ari ang aking mga tanong, kaya balak ko na magsimula doon sa Miyerkules.

Kung isusuma ang mga plano ko, ito ay may tatlong puntos:

1. Magkaroon ng plano sa pagkain.
2. Magbuhat para magpalakas ng katawan.
3. Tumakbo para matunaw ang taba.

humanda ka derek ramsay, maghintay ka lang at makikita mu na ang papalit sayo!

internet finds.

Napakalawak talaga ng nasasakupan ng internet, lahat na yata ng bagay mahahanap mu sa dito basta masipag ka lang mag-click ng kung anu-anong link. 

Una ay nag-reresearch ka lang para sa paper na isusulat mu, pero ilang click lang sa net, kahit hindi sinasadya nasa isang porn site ka na (pero malamang sinasadya un, hahaha...)

'eto ang dalawang sites (wag mag-alala hindi ito porn...)na napuntahan ko nang hindi sinasadya at na-aliw ako na meron palang mga ganito....

ang dalawang site na ito ay ginawa lamang para sa nag-iisang adhikain, mag-sulat tuungkol sa notebooks.

oo, notebook. at hindi lang basta-basta na mga notebook, karamihan sa mga nirereview nila na mga notebooks ay ung traveller's notebook. magandang halimbawa ng mga ganitong notebook ay ung moleskine.

1. Blackcover.net


This blog is dedicated to the search for the perfect little black notebook.

Yes, we're insane and obsessive. But for some reason, the Moleskine, which comes close, still feels lacking. And we can't believe there isn't ANY competition out there.


Notebook Stories presents notebooks from my collection, other people’s notebooks, new product reviews, links to other notebook resources, and explorations of the ways we use notebooks, journals, blank books, sketchbooks and the like. Join me in celebrating the notebook obsession so many of us share!

 

Saturday, March 13, 2010

kinse.

kinse, tapos na.

Thursday, March 11, 2010

transformer.


Sana ako rin magkaroon ng BEFORE and AFTER pic ko na may similar result ng nasa taas...

trese.

thirteen: can go both ways.

Matapos ko makuha ang 4th exam ko sa ES 13 kanina, ang akala ko na ibabagsak ko ang subject na yun ay nagbago, nabigyan ako ng pag-asa na pwede pa palang maging PASA ang BAGSAK.
 

 

From EEE to IE.



Talagang mahilig palitan ng IE ang EEE.





IE/ME building soon to rise

Groundbreaking ceremonies were held for the new two-storey building that will house the laboratories for the College of Engineering’s (CoE) Department of Industrial Engineering and Operations Research (IE) and Department of Mechanical Engineering (ME) on March 4.
The new structure, which will be built at the corner of Magsaysay and Apacible Streets beside the National Engineering Center, will be home to the laboratories and faculty offices for some 300 students and faculty of the IE and ME. The IE wing faces Magsaysay Street while the ME Apacible Street.
The IE wing is set to house four new laboratories, namely: Facilities Planning Laboratory, Quality Management Systems Laboratory, Usability Laboratory and Integrated Product Design and Development Laboratory.


–A.K. Regidor


[UPdate]

Kung maaalala natin, ang lugar kung saan itatayo ang nasabing IE Building ay ang dating kinatatayuan ng YIA Hall, ang dating EEE.

BABALA!

Patapos na ang ikatlong sem ko sa EM (Mining Engineering) at sa nakalipas na dalawang sem, wala akong binagsak o dropped subjects. Kaya, pipilitin ko i-extend ang aking "winning streak" sa tatlo.

Sa buong buhay ko sa EEE, isang sem lang ako nag-"all pass" (1st Sem, 05-06), pero nang lumipat (o pinalipat) ako sa MMM, wala pa akong binabagsak... sa ngayon.

'Eto ang mga hadlang ko para ipagpatuloy ang magandang nasimulan ko dito sa MMM:

simulan natin sa magagandang balita....

EM 191 (Mining and Environmental Laws)  - Sure Pass!
      -Pinaka-madaling subject ko ngayon, isang report at dalawang exam. kaya i-uno.
---
MetE 13 (Methods of Metallurgical Analysis) - Passable!
       -Medyo mahirap, dalawang exam, dalawang report,at mga lab experiments. Siguradong pasa kung mag-aaral.
---
  Geol 50 (Elementary Petrology) - Passable.
       -Mahirap. Ok naman sa lab part, di ko pa alam sa lec. Dalawang exam sa lab, tatlo sa lec. Kaya pa naman ipasa, at dapat ipasa.
---
 ES 15 (Fluid Mechanics) - Passable.
       -Pass the FINALS, Pass the subject. Kaya.
--- 

dito na magiging madugo...

 EM 36 (Underground Mining) - Delikado/Magic.
        -Hindi ko alam mangyayari dito, sikapin na lang talaga mag-aral, wala ako natututunan sa klase, self-study dapat dito at higit sa lahat umasa sa MAGIC!
 ---
ES 13 (Mechanics of Materials) - Bagsakable.
        -Pinaka-mahirap na subject ngayon, at pinaka-delikado rin, may isang exam pa naman at finals, todo kayod dito at umasa ng konting tulong mula sa langit.
  ---
  
Crunch time na!!! Di dapat bumagsak!!! 

"Everything he does is AWESOME!"


Captain Awesome.
Dr. Devon "Captain Awesome" Woodcomb is my character of the day.

When originally cast, Devon was only planned to have appeared in a handful of episodes before being revealed as an enemy spy by the end of Season 1. However, because of the popularity of the character, this plan was dropped and Ryan McPartlin was added to the credits as a regular member of the cast for Season 2.
Awesome dude!

Awesome's Audition!

sino to?

Wednesday, March 10, 2010

walang cellphone.

Cellphone.
mahirap ang walang cellphone. hindi ko na maisip kung paano nabuhay ang mga tao dati na walang cellphone. 

mahirap ang walang cellphone. sa panahon ngayon, pag wala kang cellphone, wala ka rin sa mundo, para kang lutang na kaluluwa, di ka nakikita pero anjan ka.

mahirap ang walang cellphone. kaya kelangan na ipaayos.

Tuesday, March 9, 2010

Tony Stark Returns.

Monday, March 8, 2010

chillax mode.

kakagaling ko lng sa fieldwork, at eto pagod kaya chillax mode muna...
masarap pakinggan eto habang chillax mode at....

alam niyo na...*wink

Saturday, March 6, 2010

Paboritong Dreads sa AI.

Lakwatsa: Field work sa Zambales.

"Hi Ho! Hi Ho! Off to work we go...  "
Yun ang chant ng seven dwarfs habang papunta sila sa minahan sa "Snow White and the Seven Dwarfs" at bukas yun din ang masaya kong uulit-ulitin kantahing habang naglalakad mula Yakal papunta ng NIGS nang mga bandang alas-singko y medya ng umaga.


Naka-handa na ang karamihan sa aking gamit, at makikita niyo sa picture sa kaliwa isa sa mga gamit na katulad ng sa seven dwarfs, ang aking rock pick! Balang araw gusto ko magpa-tattoo ng ganyan, hindi ko pa nga lang sigurado kung saan, pero balak ko sa kanang binti ko.... hhmmmm... wachatink?



Makikita niyo naman sa kanan kung saan kami puputa, yan ang Capones Island sa Zambales! Nakikitta niyo ba yang mga bato na dyan? Yan siguro ung mga ido-drawing namen. Kelangan ko na naman hugutin ang artistic side ko, hahaha

'Eto naman ang tinatawag nilang Piano Island, na bahagi pa rin ng Capones Island. Hindi ko nga alam bakit nila to tinawag na Piano Island eh, mukha bang piano? Please enlighten me....

Pero bago kami makarating sa Capones Island, kelangan muna namin sumakay sa bangka mula sa Bgy. Pundaquit, Zambales. Dun matatagpuan ang Mt. Pundaquit na inakyat ko sa orienteering class ko dati. Makikita sa mapa sa ibaba and Capones Island, Bgy. Pundaquit at ang Mt. Pundaquit.


Abangan ang paglagay ko dito ng aking mga karanasan sa field work na to! Apir!

---
Salamat sa pagliko sa ikatlongkanto!

Friday, March 5, 2010

Stronger by Kanye West



N-n-now that don't kill me...
Can only make me STRONGER...

Wednesday, March 3, 2010

Bagong Misyon.

look good. feel good. perform better.

---
'eto ang preview ng aking bagong misyon. malalaman na lang natin pag nasimulan ko na.... kwento ko rin sa inyo.

Saturday, February 27, 2010

miss ko rin ang basketball

Bago ako nahilig sa pagtakbo, basketball ang paborito kong pampapawis. 'Eto ang nagpapaalala sa akin kung bakit masaya mag-basketball

Palabas sa Kanto: Mga Tao sa Likod ng Boses ng mga Paborito nating Cartoons

1. Simpsons



















2. Pikachu

Friday, February 26, 2010

Huwattt?! Hinde!!!!!!!!!!!

 
 

Thursday, February 25, 2010

patunayan ang pagiging "BLOOGER": iBlog6

 
Ngayon ay nagsisimula ako sa pagiging blooger, kaya nang makita ko ang ad na ito tungkol sa isang Blogging Summit, nasabi ko sa sarili ko na bakit hindi ko ito subukan?

Kaya...

Wednesday, February 24, 2010

may sakit.

hayyyy.... may sakit ako ngayon. sipon at lagnat, isama pa ang pananakit ng katawan...

madami pa naman ako dapat gawin...

 ito ang 8 bagay na hindi ko magawa dahill may sakit ako:


       1. Pumasok sa Klase.

Tuesday, February 23, 2010

unang liko.

Salamat sa unang pagliko sa ikatlong kanto! 

Kung paano ka man napunta sa kantong ito ay  hindi ko na alam pwedeng naligaw ka lang o pinilit kitang dumaan dito, kahit anu pa man yun, nagpapasalamat ako sa iyong pagliko.

Dahil dito sa ikatlong kanto, ako ay isa nang ganap na BLOOGER! (basa: blogger)hahaha! ito ang unang pagkakataon sa buhay ko na magsulat ng isang bagay na maaaring mabasa nang kahit sino. Gagawin ko itong maagaang babasahin at parang nakikipag-chikahan lang ako sa iyo, kaya pinili kong sa tagalog isulat ang ang mga nasa isip ko.

Sa pagliko mo dito  ay makakakita ka ng maraming bagay, karamihan ay mga interes ng mga nakatira dito. mga bagay na nakakatawa (sa tingin ko), nakakainis, nakakamangha, mga kalokohan at siguro karamihan dito ay walang kwenta na pampalipas oras lamang, pero alam ko babasahin mo pa rin ito, kaya apir!

Isa lamang na paalala, wag kayong mahiya na isulat ang anuman sabi-sabi niyo tungkol sa aking mga isusulat, kahit anu pa man yan! oks? cge. apir ulet!

Ayan! tama na ang pagpapakilala, tara na! paki sabi lng kay mamang traysikel drayber:

"manong, paki liko lang ho sa ikatlong kanto... salamat!"


 

Copyright 2009 ikatlong kanto. Powered by Blogger