Tuesday, March 16, 2010

ang pagbabalik.

sa wakas, nabalik na rin ang cellphone ko nang maayos. salamat at wala akong binayaran sa pagpapagawa dahil covered pa ng warranty. buti na lang hindi nila alam kung bakit nasira ang cellphone ko, dahil kung alam nila baka hindi na libre ang naging paggawa, hehehe....

napansin ko lang, parang madaming nasisirang samsung cellphones. habang nasa service center ako, madami akong narinig na reklamo mula sa mga tao na may-ari nang nasirang samsung phone. karamihan pa sa kanila ay magkakamukha pa ng phone model. baka talgang sirain yung model na yun.

bagama't nasira ang phone ko dahil nabasa ng tubig dagat (ssshhhh.... wag  niyo ipagsasabi ha, secret lang. kasa mo!) hindi pa rin natin mapagkakaila na hindi ganun kaganda ang quality ng samsung phones. talaga bang ganito ang kalidad ng mga koreano? hmmm....

lalo pa natin makikita ang mababang kalidad kung ikukumpara natin sa nangungunang nokia phones. ang ibanng nokia phones na kahit mahulog sa inidoro, patuyuin mu lang ay gagana nang muli.

pero pasalamat na lang din ako na nagawa ang sira ng telepono ko nang walang  bayad, panalangin ko na lang na hindi na ito muling maasira...

 ito ang ilan sa mga kuha ko na picture sa fieldwork namin sa zambales bago mag-loko ang telepono ko...(matagal ko na dapat na-post ito kung hindi lang nasira ang telepono ko.)

sa ikalawang larawan makikita ang whale island, hugis balyena 'di ba? tinawid namin yan at nakarating sa isla na yan.

No comments:

Post a Comment

 

Copyright 2009 ikatlong kanto. Powered by Blogger