Kahapon ay namili na ako ng mga pagkain na aking kakainin para ako aay pumayat at maging malusog. Sa aking plano ay kakain ako ng mga 4 - 6 beses sa isang araw, dahil dito palagi akong busog at hindi ko maiisipan na kumain ng hindi masusustansyang bagay.
Tumakbo na rin ako ulit kaninang umaga. Kahit hindi pa bumalik sa dati ang aking pagtakbo, maganda pa rin itong simula.
Kanina, pagkatapos ko samahan si mahal ko magpagupit at dumiretso na ako para magtanong sa gym na plano kong pasukan.
Nahirapan pa akong hanapin ang gym na 'to, kasi hindi naman ito high end o commercialized gym na tulad ng Fitness First, Gold's Gym at Slimmer's World. Ang Zest Power Gym ay kabilang sa mga gym na tinatawag na "bakal gym" o ung mga gym na puro simpleng equipment lang ang meron at walang mga exercise machines. Napili ko ang gym na 'to, unang-una adahil sa mura ito, pangalawa ay dahil sa simple lang sila at result-oriented at dahil dito, bagama't ito ay isang bakal gym, napakaraming awards na rin ang nakamit ng mga pumupunta dito sa larangan ng powerlifting.
Ok naman ang naging pagpunta ko doon, nasagot naman ng may-ari ang aking mga tanong, kaya balak ko na magsimula doon sa Miyerkules.
Kung isusuma ang mga plano ko, ito ay may tatlong puntos:
1. Magkaroon ng plano sa pagkain.
2. Magbuhat para magpalakas ng katawan.
3. Tumakbo para matunaw ang taba.
humanda ka derek ramsay, maghintay ka lang at makikita mu na ang papalit sayo!
1 comment:
like love like love! aja!
Post a Comment