Patapos na ang ikatlong sem ko sa EM (Mining Engineering) at sa nakalipas na dalawang sem, wala akong binagsak o dropped subjects. Kaya, pipilitin ko i-extend ang aking "winning streak" sa tatlo.
Sa buong buhay ko sa EEE, isang sem lang ako nag-"all pass" (1st Sem, 05-06), pero nang lumipat (o pinalipat) ako sa MMM, wala pa akong binabagsak... sa ngayon.
'Eto ang mga hadlang ko para ipagpatuloy ang magandang nasimulan ko dito sa MMM:
simulan natin sa magagandang balita....
EM 191 (Mining and Environmental Laws) - Sure Pass!
-Pinaka-madaling subject ko ngayon, isang report at dalawang exam. kaya i-uno.
---
MetE 13 (Methods of Metallurgical Analysis) - Passable!
-Medyo mahirap, dalawang exam, dalawang report,at mga lab experiments. Siguradong pasa kung mag-aaral.
---
Geol 50 (Elementary Petrology) - Passable.
-Mahirap. Ok naman sa lab part, di ko pa alam sa lec. Dalawang exam sa lab, tatlo sa lec. Kaya pa naman ipasa, at dapat ipasa.
---
ES 15 (Fluid Mechanics) - Passable.
-Pass the FINALS, Pass the subject. Kaya.
---
dito na magiging madugo...
EM 36 (Underground Mining) - Delikado/Magic.
-Hindi ko alam mangyayari dito, sikapin na lang talaga mag-aral, wala ako natututunan sa klase, self-study dapat dito at higit sa lahat umasa sa MAGIC!
---
ES 13 (Mechanics of Materials) - Bagsakable.
-Pinaka-mahirap na subject ngayon, at pinaka-delikado rin, may isang exam pa naman at finals, todo kayod dito at umasa ng konting tulong mula sa langit.
---
Crunch time na!!! Di dapat bumagsak!!!
No comments:
Post a Comment