"Hi Ho! Hi Ho! Off to work we go... "
Yun ang chant ng seven dwarfs habang papunta sila sa minahan sa "Snow White and the Seven Dwarfs" at bukas yun din ang masaya kong uulit-ulitin kantahing habang naglalakad mula Yakal papunta ng NIGS nang mga bandang alas-singko y medya ng umaga.
Naka-handa na ang karamihan sa aking gamit, at makikita niyo sa picture sa kaliwa isa sa mga gamit na katulad ng sa seven dwarfs, ang aking rock pick! Balang araw gusto ko magpa-tattoo ng ganyan, hindi ko pa nga lang sigurado kung saan, pero balak ko sa kanang binti ko.... hhmmmm... wachatink?
Makikita niyo naman sa kanan kung saan kami puputa, yan ang Capones Island sa Zambales! Nakikitta niyo ba yang mga bato na dyan? Yan siguro ung mga ido-drawing namen. Kelangan ko na naman hugutin ang artistic side ko, hahaha
'Eto naman ang tinatawag nilang Piano Island, na bahagi pa rin ng Capones Island. Hindi ko nga alam bakit nila to tinawag na Piano Island eh, mukha bang piano? Please enlighten me....
Pero bago kami makarating sa Capones Island, kelangan muna namin sumakay sa bangka mula sa Bgy. Pundaquit, Zambales. Dun matatagpuan ang Mt. Pundaquit na inakyat ko sa orienteering class ko dati. Makikita sa mapa sa ibaba and Capones Island, Bgy. Pundaquit at ang Mt. Pundaquit.
Abangan ang paglagay ko dito ng aking mga karanasan sa field work na to! Apir!
---
Salamat sa pagliko sa ikatlongkanto!
1 comment:
when i was small, i really feel and relate kay grumpy.. =p
Post a Comment