Thursday, February 25, 2010

patunayan ang pagiging "BLOOGER": iBlog6

 
Ngayon ay nagsisimula ako sa pagiging blooger, kaya nang makita ko ang ad na ito tungkol sa isang Blogging Summit, nasabi ko sa sarili ko na bakit hindi ko ito subukan?

Kaya...

...pumunta ako sa iblogph.org at nag-register! ha ha ha!

Gaganapin ang blogging summit sa Malcolm Theater, Malcolm Hall, UP College of Law, UP Diliman, Quezon City. Malapit lang naman ito sa tinutuluyan ko (limang hakbang nga lang ata eh!), kaya lalo akong na-engganyo.

Dalawang araw ang summit, sa April 16 at 17, pwede kang pumili kung pupunta ka sa dalawang araw o sa isa lang.  Ang unang araw ay para sa mga negosyante at mga businesspeople. Pag-uusapan kung paano nila magagamit ang blog para mapakilala sa mundo ang kanilang produkto o mapalago ang kanilang benta. Sa ikalawang araw naman ay para sa kahit sino na interesado sa blogging, baguhan man o hinde. Halata naman kung saan ako punta di ba? hahaha... 

Pinili ko dumalo lang sa ikalawang araw, kelangan ko lang naman matutunan ang mga simpleng pasikot-sikot dito... kinakain kasi ako minsan ng blogspot, 'di ko alam mga nagagawa ko.... 

'eto ang mas detalyadong gawain sa ikalawaang araw...

8:45 Opening Ceremonies (National Anthem & Welcome)
9:00 – 9:20 Blogging 101 (Hannah Villasis)
9:30 – 10:00 Video Blogging 101 (Vince Golangco)
10:15 – 10:35 Photo Blogging 101 (Juned Sonido)
10:50 – 11:05 BREAK
11:05 – 11:40 Political, Online Commentary, Social Media, & Election Blogging 2010 (Marck Ronald Rimorin and Noemi Dado)
12:00 – 1:15 LUNCH & NETWORKING
1:15 – 1:35 (SPONSOR TALK)
1:50 – 2:10 Launching Successful Blog Contests (Jinoe Gavan)
2:25 – 2:45 Blog Policies (UP-ISP)
3:00 – 3:15 BREAK
3:15 – 3:35 Impact of Blogging to the Community (Joseph Gonzales)
3:50 – 4:10 SEO: A Must for Making Money Online (Marhgil Macuha)
4:30 RAFFLE, iBlog Video Contest Winner Announcement, & GROUP PHOTO
Para sa pag-REGISTER, at sa detalye ng unang araw pumunta dun sa kabilang kanto... 'eto ang daanan...apir!

No comments:

Post a Comment

 

Copyright 2009 ikatlong kanto. Powered by Blogger