Friday, May 7, 2010

King of Exercises.

sinasabing ang SQUAT ang "King of Exercises", at hindi ka talaga masasabing nag-wowork-out kung hindi mo ginagawa ito. 

Mahirap itong gawin kaya marami ang umaayaw dito, pero sa mga nag-ssquat malaking paglakas ang mararamdaman nila sa kanilang lower body. Pangunahing pinapalakas nito ang quadriceps at hamstrings mo, ang mga muscles sa iyong hita, bukod pa rito, pinapalakas din nito ang iyong calves sa legs, lats at trapezius para sa upper back, ang lower back muscles, deltoids sa shoulders, at core muscles sa belly. O d ba? ang dami! kaya hindi dapat palampasin ang pag squat.

Dati hirap na hirap na ako mag-squat gamit ang empty olympic bar, 20kg un, empty pa un ha! ngaun eto na ang kaya kong i-squat....

 O di ba? mukha nang mabigat? hahaha... 60 kgs na yan, grabe, makatapos lng ako ng 6 reps jan, para na akong nag-sprint ng isang kilometro, at uulitin ko un ng 5 sets, kaya talagang nkakapagod ito. pero sulit naman eh....

No comments:

Post a Comment

 

Copyright 2009 ikatlong kanto. Powered by Blogger